Narito ang mga maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Biyernes, November 12, 2021:

- Babaeng 15-anyos, patay matapos mabaril ng sundalong nakainom
- Kagawad na anak ni CDO Rep. Uy, patay sa pamamaril; nadamay na caretaker ng kanyang bunkhouse, nasawi rin
- Lalaki, patay sa pamamaril ng kainuman; suspek, patay matapos tagain ng kapatid ng biktima
- 9 na bata, sugatan matapos masabugan ng granada
- Babaeng tumangay ng P20 million sa mga biktima dahil sa alok niyang buwanang kita sa mga paupahang puwesto sa palengke, nahuli
- Ipatutupad na sa buong bansa ang Alert Level System para sa COVID-19 response.
- Tanong sa manonood: Ano ang masasabi mo sa alinlangan ng ilang healthcare workers ukol sa non-mandatory use ng face shield sa pampublikong lugar kaya mungkahi nilang mag-eye goggles na lang?
- Barbero, hinuli matapos tangkaing saksakin ang nakaaway na customer dahil sa hindi nagustuhang gupit
- IATF: dapat vaccinated na ang on-site private at government employees simula Dec. 1, 2021
- Nasa P1.5-M halaga ng ilegal na droga, nasabat sa isang beach party; 17 suspek, arestado
- Babaeng sangkot sa "rentangay" modus, arestado sa entrapment operation; aminado rin sa krimen
- IATF: 91.10% na ang mga bakunado kontra-COVID sa Metro Manila
- 1,974 ang naitalang bagong COVID-19 cases sa bansa
- Derek Ramsay at Ellen Adarna, ikinasal na
- Ilang lugar sa Cotabato at Sarangani, binaha dahil sa malakas na ulan
- Weather Update
- 71-anyos na nasiraan ng bahay dahil sa bagyong Jolina, tinulungan
- Senado, naghain ng petisyon sa Korte Suprema laban sa utos ni Pangulong Duterte na nagbabawal sa mga miyembro ng ehekutibo na dumalo sa senate hearing
- IATF: dapat vaccinated na ang on-site private at government employees simula dec. 1, 2021
- Panayam kay DILG Usec. Epimaco Densing
- DFA, nagpatupad ng Alert Level 4 o mandatory evacuation sa Ethiopia
- Tatlong hinuli dahil umano sa paglabag sa curfew, tumalon palabas ng patrol car; 1 patay, 2 kritikal
- Suspek sa pag-supply ng mga armas sa abu sayaff at pagpatay sa kanyang sariling asawa, huli; nasa 200 bala at baril, narekober
- Mga bumibili ng lechon, mas dumami raw simula nang ipatupad ang Alert Level 2 sa NCR
- Christmas tree na apat na dekada nang tradisyon sa Araneta City, bukas na sa mga bibisita
- Loan program para sa mga MSMEs, inilunsad ng DTI